dzme1530.ph

Mark Herras, nilinaw ang issue tungkol sa ex-manager na si Manay Lolit Solis

Ibinunyag ni Mark Herras na ang dating utang na nagkakahalaga ng ₱30,000 sa kanyang dating manager na si Manay Lolit Solis ang dahilan ng paghihiwalay nila ng landas.

Sinabi ni Mark na ginamit ni Manay Lolit ang kanyang utang, halos tatlong taon na ang nakararaan, para pag-usapan ng publiko.

July 2021 nang ihayag ng talent manager na nangutang sa kanya ang aktor ng ₱30,000 para ipambili ng gatas ng anak nito.

Nang magsalita noon si Mark tungkol sa naturang isyu, isiniwalat niya na nakatanggap siya ng indecent proposals mula sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Pero paglilinaw ngayon ng aktor, totoong nangutang siya ng pera sa dating manager subalit matagal na niya itong nabayaran bago pa man aniya naging big deal ang isyu.

About The Author