dzme1530.ph

Maritime Partnership Exercise sa WPS, isinagawa na ng Pilipinas at India

Nagsagawa ang Pilipinas at India ng maritime partnership exercise (MPX) sa West Philippine Sea.

Layunin ng MPX na mas paigitingin ang maritime cooperation ng dalawang bansa at pag-promote ng mga pamamaraan pagdating sa rules-based order.

Magkasama namang naglayag ang barkong BRP Ramon Alcaraz ng Pilipinas at INS Kadmatt ng India.

Nitong Martes, dumaong sa Port of Manila ang INS Kadmatt Indian Navy, isang uri ng Anti-Submarine Corvette na kargado ng mga missile at iba pang mga teknolohiya. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author