dzme1530.ph

MARINA, nagbabala laban sa mga inaalok na seafarer documents sa social media

Pinag-iingat ng Maritime Industry Authority o MARINA ang publiko laban sa mga hindi otorisadong online groups sa social media na nag-aalok ng pag-proseso sa mga dokumento ng mga seafarers.

Sinabi ng MARINA na wala silang pinahihintlutang facebook groups o mga kahalintulad nito para mag-proseso ng Seafarer’s Identity Document (SID), Seafarer’s Record Book (SRB), Certificate of Competency (COC), at Certificate of Proficiency (COP).

Pinayuhan din ng ahensya ang mga marino na makipag-ugnayan lamang sa mga Accredited Maritime Training Institutions tungkol sa kanilang Maritime Training Courses.

Maaring makita ang listahan ng Training and Assessment Centers sa website ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) office ng Marina.

Para naman sa iba pang impormasyon, bisitahin ang official social media accounts ng naturang ahensya.

About The Author