dzme1530.ph

Marcos Administration, hinimok na maging makatotohanan sa mga target pang gawin sa nalalabing panahon sa panunungkulan

Pinayuhan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gobyerno na gawing realistic ang mga target nitong accomplishment para sa kapakanan ng taumbayan.

Sinabi ni Pimentel na ngayong halos dalawang taon na ang Marcos administration, marami na ang naghahanap ng katugunan sa ipinangako nitong P20 kada kilo ng bigas at milyung-milyong housing projects para sa mahihirap.

Iginiit ng senador na mas makabubuting realistic target ang gawin ng administrasyon sa mga susunod pang taon at huwag ang mga ipinangakong datos noong ito ay nangangampanya pa lamang.

Payo pa ng mambabatas na magig tapat sa taumbayan at huwag silang paasahin sa mga pangakong mahirap tuparin. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author