dzme1530.ph

Manufacturing activities, posibleng makarekober ngayong 3rd Quarter

Posibleng makabawi ang manufacturing growth ngayong third quarter ng taon kasunod ng bahagyang pagbagal noong second quarter.

Ayon sa ekonomista na si Michael Ricafort, inaasahang makarerekober ang manufacturing at iba pang production activities ngayong quarter bunsod ng seasonal increase sa importation, manufacturing, at iba pang production activities.

Lumago ang manufacturing sector ng bansa noong Hunyo subalit mas mabagal kumpara sa naitalang expansion noong Mayo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author