dzme1530.ph

Manny Pacquiao, interesadong lumaban sa Paris Olympics —POC

Target ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao na madagdagan ang kanyang achievements sa boxing, sa pamamagitan ng pagsali sa Paris Olympics sa 2024.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na nakipag-ugnayan ang kampo ni Pacquiao sa kanila upang alamin kung paano makakapag-qualify ang dating 8-division World Champion sa 2024 Olympics sa France.

Inihayag naman ni Tolentino na sinimulan na ng POC na kumonsulta sa Associaton of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) at sa International Olympic Committee (IOC) na siyang nangangasiwa sa Olympic Boxing habang suspendido ang International Boxing Association para sa planong paglahok ni Pacquiao. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author