dzme1530.ph

Manny Pacquiao, hindi pinayagang makapaglaro sa Paris Olympics

Ibinasura ng International Olympic Committee (IOC) ang kahilingan ni Manny Pacquiao na maglaro sa 2024 Paris Olympics, dahil lagpas na sa age limit ang Filipino boxing legend.

Ginawa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang anunsiyo, kahapon, matapos matanggap ang formal letter mula sa IOC na nagbabawal sa 8-division World Champion na maglaro sa Summer Games.

Binigyang diin ng IOC na 40 years old ang age limit para sa mga atletang sasabak sa Olympics.

Si Pacman ay nagdiwang ng kanyang 45th birthday noong Dec. 17.

About The Author