dzme1530.ph

Manipis na vog, na-obserbahan sa Bulkang Taal

Na-obserbahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang manipis na volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal, sa Batangas.

Kinumpirma ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head, Dr. Amor Calayan na ilang bayan sa lalawigan ang apektado ng vog matapos magbuga ang taal volcano ng 10,933 metric tons ng sulfur dioxide.

Kabilang aniya sa mga apektado ang Calaca City, Alitagtag, San Nicolas, Tuy, Barangay Banyaga, Agoncillo at Barangay Boso-Boso sa Laurel.

Nilinaw naman ni Calayan, na minimal lamang ang epekto ng vog, at patuloy ang kanilang monitoring sa mga apektadong lugar. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author