Gagagamit na rin ng digital payment sa traffic violations ang Lungsod ng Maynila.
Ipinasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang City Traffic Code of Manila na naglalayong gawing digital payment na ang pagbabayad ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.
Sa City Ordinance no 8327 na nag aamyenda sa City Ord. 8092 ng Traffic Code of Manila mabilis na ang transaction sa mga multa at parusa na lumalabag na motorista sa Maynila.
Ayon kay Manila 1st District Councilor Jesus Bong Fajardo Jr, awtor ng ordinansa, sa ganitong paraan maiiwasan na ang bribery o ang pangongotong ng mga traffic enforcers partikular ang Manila Traffic and Parking Bureau.
Aniya mag-download lamang ng GoManila mobile app ang mga motorista para sa paraan ng pagbabayad ng multa.
Ang binalangkas na ordinansa ay tugon ng konseho ng lungsod kaugnay sa Single Ticketing System ng Metro Manila Development Authority (MMDA). —ulat mula kay Felix Laban, DZME News