dzme1530.ph

Manila International Airport Consortium, humihirit ng 25-year concession period

Humihirit ang Manila International Airport Consortium (MIAC)  ng 25-year concession period para sa kanilang unsolicited proposal na i-rehabilitate at i-develop ang Ninoy Aquino International Airport.

Ayon MIAC, ang naturang panahon ang optimal solution para ma-unlock ang full potential ng main gateway ng bansa.

Ang proposal ay sa harap ng pag-aaral ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Transportation at Manila International Airport Authority sa solicited P141-B, 15-year proposal na i-rehabilitate ang NAIA.

Ang MIAC ay binubuo ng Aboitiz Infracapital, AC Infrastructure Holdings, Asia’s Emerging Dragon, Alliance Global-Infracorp Development, Filinvest Development, JG Summit Infrastructure Holdings, at US-Based Global Infrastructure Partners. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author