![]()
Hihilingin na ng transport group na Manibela na magkaroon na ng provisional fare increase na dalawang piso para sa public utility vehicles dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Manibela Chairperson Mar Valbuena, ito sana ang huling opsyon nila kung hindi mababawasan ang excise tax at value added tax sa produktong petrolyo.
Gayunman, dahil sa susunod na linggo ay kinse pesos ang dagdag na presyo sa bawat litro ng diesel kaya panahon na upang sumama sila sa panawagan ng pagtaas ng pamasahe.
Ito naman anya ay pansamantala lamang hangga’t hindi nagbabalik sa normal ang presyo.
Iginiit ni Valbuena na nasa P400 hanggang P500 na ang nawawalang kita sa mga jeepney drivers kada araw kaya’t hindi na rin anya sasapat ang P5,000 fuel subsidy.
