dzme1530.ph

MANIBELA, dismayado sa SONA ni Pangulong Marcos

Dismayado ang isang grupo ng transportasyon sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., makaraang hindi mabanggit ang kanilang mga hinaing sa kabila ng kanilang ikinasang protesta.

Kahapon, kasabay ng SONA ng Pangulo ay sinimulan ng Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA) ang kanilang tatlong araw na tigil pasada para tutulan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Inihayag ng grupo sa social media na “floating” ang lahat at walang nabanggit ang Pangulo na kahit anong programa, pabor man sa modernisasyon o hindi.

Binigyang katwiran ng MANIBELA na ang kanilang hakbang ay para ibalik sa gobyerno ang nararamdaman nilang stress at hirap bunsod ng PUV Modernization. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author