dzme1530.ph

Manggugulo sa 2025 Bangsamoro elections, makakalaban ang buong pamahalaan

Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magtatangkang guluhin ang 2025 Bangsamoro Parliament Election, na huwag na itong ituloy dahil ang buong pamahalaan ang kanilang makakalaban.

Sa komemorasyon ng ika-sampung anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa Maguindanao Del Norte, inihayag ni Marcos na bilang pangulo, titiyakin niya ang tapat, maayos, at malinis na electoral process sa Bangsamoro.

Kaugnay dito, hinikayat ang mga residente ng Bangsamoro na makiisa sa nation-building at protektahan at gamitin ang kanilang karapatang bumoto, na itong maghuhulma sa hinaharap ng kanilang pulitika at makabuluhang awtonomiya.

Umaasa rin si Marcos na ang bawat kandidato ay itatangan ang prinsipyo ng Bangsamoro, o ang “Bangsamoro muna bago sarili”.

Ang kauna-unahang bangsamoro elections ay idaraos sa may 12, 2025.

About The Author