dzme1530.ph

Mandatory wearing of face mask sa loob ng mga tren, patuloy na ipinatutupad —DOTr

Pinatitiyak ng Department of Transportation (DOTr) sa mga railway operator nito na nasusunod ng mga pasahero ang ipinatutupad na mandatory wearing of face mask sa mga istasyon sa lahat ng oras.

Ayon kay Transportation Asec. for Railways Jorjette Aquino, dapat siguruhin ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR) na mahigpit na naipatutupad ang face mask mandate.

Pinalalahanan din ni Aquino ang mga opisyal at mga tauhan ng rail sector na agad sumailalim sa COVID-19 testing sakaling makaranas ng sintomas ng sakit.

Sa ngayon, mariin pa ring ipinagbabawal ang pakikipag-usap sa kapwa pasahero at pagsagot ng phone calls sa loob ng mga tren upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

About The Author