Wala pang planong ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa Metro Manila sa gitna ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni Metro Manila Council head San Juan City Mayor Francis Zamora dahil nananatili naman aniya sa low-risk category ang rehiyon.
Ayon kay Zamora, mataas ang vaccination rate sa NCR kung kaya’t mababa ang positivity rate at hospitalization rate ng COVID-19.
Bagamat marami na aniyang mga lungsod ang nagpatupad ng face mask mandate, ay nananatili pa ring nasa Alert level 1 ang Metro Manila na nangangahulugang opsiyonal ang pagsusuot ng face mask.