dzme1530.ph

Mandatory masking, hindi kailangan —IATF

Iminungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na huwag munang ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nakapagpasa na ang kagawaran at iba pang miyembro ng IATF sa Pangulo nang rekomendasyon tungkol sa hindi pagbabalik nang mandatory masking.

Ang pagsusuot aniya ng face mask ay inirerekomenda lamang kung At-risk ang pasyente at High-risk ang sitwasyon.

Ginawa ng DOH at IATF ang rekomendasyon matapos ihayag ng Pang. Marcos nitong weekend ang posibilidad nang muling pagpapatupad ng pamahalaan ng mandatory wearing of face mask kasunod nang pagtaas ng COVID-19 new cases sa bansa.

About The Author