dzme1530.ph

Mandatory COVID-19 testing sa mga galing sa China, tinanggal na ng Canada

Inalis na ng Canada ang mandatory COVID-19 testing requirement sa mga biyahero na manggagaling sa China, Hong Kong at Macao.

Base sa inilabas na anunsyo ng Public Health Agency ng Canada, ito ay dahil sa pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na bansa.

Anila ito ay dahil na rin sa pagluwag ng restriksyon ng ibang mga bansa kontra virus.

Matatandaang, taong 2022 nang maghigpit ang Canada sa requirements ng mga incoming passenger mula China.

About The Author