dzme1530.ph

Malaking turnout sa unang araw ng paghahain ng COC para sa Barangay at SK Elections, hindi inaasahan ng COMELEC

Inamin ng COMELEC na hindi nila inaasahan ang napakaraming naghain ng Certificate of Candidacy sa unang araw ng pagsusumite nito sa iba’t ibang tanggapan ng poll body sa buong bansa.

Sinabi ni COMELEC Spokesman John Rex Laudiangco na nangangahulugan lamang ito na buhay na buhay ang demokrasya sa bansa at marami ang naghahangad na lumahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.

Bukod sa pagiging excited, idinahilan ng ilang aspirante sa maaga nilang paghahain ng COC na ayaw nila na magka-problema sa kanilang kandidatura. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author