dzme1530.ph

Malakihang umento sa presyo ng petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Abiso sa mga motorista!

Posibleng magkaroon ng big time oil price hike sa susunod na lingo.

Ayon kay Department of Energy Director III Rodela Romero, maaaring tumaas ng P1.95 hanggang P2.10 ang kada litro ng gasolina na tinatayang pinaka malaking taas presyo na itatala mula magsimula ang taon.

Habang ang diesel ay inaasahang tataas mula P0.65 hanngang P0.85 kada litro.

Samantala, ang kerosene naman ay nakikitaan ng P0.20 hanggang P0.30 na umento sa presyo.

Inaasahan namang mag-aanunsyo ang mga oil company sa bansa ng kani-kanilang price increase sa Lunes, January 29 at nakatakda itong ipatupad sa Martes, January 30. DZME News

About The Author