dzme1530.ph

Malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo, muling umarangkada

Sa ika-11 sunod na linggo, umarangkada ang malakihang taas-presyo sa diesel at kerosene habang nasa ika-10 sunod na linggo na sa gasolina.

Ngayong Martes ay tumaas ng dalawang piso ang kada litro ng gasolina at kerosene habang p2.50 ang nadagdag sa diesel.

Una nang inihayag kahapon ng Department of Energy, na batay sa kanilang projection, ay hindi bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo hanggang sa Disyembre. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author