dzme1530.ph

Malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo, umarangkada na

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

P3.05 per liter ang tapyas sa presyo ng gasolina habang P2.45 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Nasa P3.00 per liter naman ang tapyas-presyo sa produktong kerosene o gaas.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Clean fuel ang price adjustment na sinundan ng iba pang kumpaniya ng langis kaninang alas-6 ng umaga.

About The Author