dzme1530.ph

Malakihang oil price rollback, asahan sa mga susunod na araw

Inaasahang magkakaroon ng malakihang tapyas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, Oct 10.

Batay sa pagtaya ng oil industry players, P2.80 hanggang P3.10 kada litro ang posibleng rollback sa presyo ng gasolina.

Habang maglalaro naman sa P2.30 hanggang P2.50 kada litro ang bawas-presyo sa diesel.

Sinabi naman ng Department of Energy, na nasa P2.20 per liter ang rollback sa kerosene o gaas.

Karaniwang inaanusyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad naman ito sa susunod na araw, o Martes.

About The Author