dzme1530.ph

Malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas

Abiso sa mga motorista!

Muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, August 8.

Batay sa oil industry sources, posibleng tumaas sa hanggang P4.10 per liter ang presyo ng diesel habang nasa P0.10 hanggang P0.50 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Posible ring magkaroon ng taas-presyo na P2.00 hanggang P3.00 per liter ang kerosene.

Ayon sa Dep’t of Energy, posibleng magtuloy-tuloy pa ang oil price hike sa bansa bunsod ng pagpapalawig ng Saudi Arabia sa production cut, na aabutin hanggang Setyembre. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author