Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na maging mapanuri sa mga balita hinggil sa “walking pneumonia” na kumakalat ngayon sa China.
Ito ay kaugnay ng isang online news report na umanoy hindi isinalaysay ng buo ang kontekstong ibinigay ng Dep’t of Health hinggil sa apat na naitalang kaso ng mycoplasma pneumonia sa bansa.
Mababatid na nilinaw ng DOH na hindi bago ang mga kaso na naitala noong Enero hanggang Setyembre 2023, at ang lahat ng tinamaan ay naka-rekober na.
Kaugnay dito, hinimok ng Presidential Communications ang mga Pilipino na ugaliing bisitahin ang official pages ng gov’t agencies para sa mga beripikadong impormasyon.
Ipina-alala rin ng palasyo na mayroong gamot para sa mycoplasma pneumonia at madaling maiiwasan ang hawaan nito sa pamamagitan ng standard health protocols. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News