dzme1530.ph

Malacañang, kinumpirmang inaprubahan ni PBBM ang 90-day extension ng Sim Registration

Kinumpirma ng Malacañang na inaprubahan mismo ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang 90-day extension ng SIM Registration.

Ito ay sa idinaos na sectoral meeting sa Malacañang kaninang umaga kaugnay ng Mandatory Sim Registration.

Sa nasabing meeting, iniulat ng Department of Information and Communications Technology sa Pangulo ang mga detalye ng naging pakikipagpulong sa telecommunications companies kaugnay ng extension ng deadline na matatapos na sana bukas, Abril a-26.

Matatandaang una nang inanunsyo ni Justice sec. Boying Remulla na extended na ng 90-araw ang Sim Registration. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author