dzme1530.ph

Makabata Helpline 1383, inilunsad ng DSWD

Inilunsad ng Dep’t of Social Welfare and Development at Council for the Welfare of Children ang Makabata Helpline 1383, para sa proteksyon ng kapakanan at karapatan ng mga bata.

Ayon sa DSWD, ang CWC – Makabata Helpline 1383 ang magiging pangunahing hotline na tatanggap ng mga tawag kaugnay ng anumang paglabag o pag-abuso sa karapatan ng mga bata.

Hinikayat naman ni DSWD Assistant Sec. Atty. Elaine Fallarcuna ang publiko na makipagtulungan sa gobyerno sa pagtatanggol sa karapatan ng vulnerable sectors lalo na ng mga bata.

Itataguyod ng Makabata Helpline 1383 ang lipunang malaya sa mga pag-abuso at pananamantala sa mga batang Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author