dzme1530.ph

Maja Salvador, ikakasal na?

Nakatakdang ikasal ngayong araw sa Apurva Kempinski Bali, Indonesia ang actress/host na si Maja Salvador sa kanyang businessman fiance na si Rambo Nuñez.

Bagaman walang detalye sa oras ng kanilang pag-iisang dibdib, excited na sinalubong ng soon to be newlyweds ang kanilang mga bisita at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng isang pre-wedding dinner.

Ibinahagi ng ilang malalapit sa buhay ng dalawa ang photos sa naturang event kung saan makikitang enjoy na enjoy ang dalawa sa “Special dinner” para sa kanilang “Last evening of being single”.

Present ang kanilang ang kanilang celebrity friends na sina John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Kakai Bautista, MJ Lastimosa, Moi Bien Marcampo at ang showbiz couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bago lumipad pa-Bali, dumalo sina Maja at Rambo sa kasal ng celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author