dzme1530.ph

Maine Mendoza, itinangging i-te-televise ang kanyang kasal

Pinabulaanan ni Maine Mendoza ang report na ipalalabas sa telebisyon ang kanilang kasal ni Arjo Atayde.

Sa kanyang dismayadong pahayag sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ng TV host-actress na “clueless” o wala siyang alam kung saan nanggaling ang naturang impormasyon at kung ano ang intensyon ng naglabas nito.

Binigyang diin ni Maine na siya ang huling tao na isasapubliko ang isang personal affair.

Nanawagan din ito sa mga netizen na huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa at nakikita nila sa internet, at magsagawa rin sila ng fact-checking.

July 2022 nang ma-engage sina Maine at Arjo makaraan ang apat na taon.

March 2019 nang maisapubliko ang kanilang relasyon at ipinagdiwang nila ang kanilang 4th Anniversary bilang couple noong December 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author