Mula sa P500 ay magiging P1,000 na ang matatanggap na buwanang pensyon ng mahihirap na Senior Citizens sa bansa, simula ngayong Enero.
Ayon sa DSWD, mahigit apat na milyong senior citizens ang nakatakdang makikinabang mula sa P50 Billion na Pension Program.
Gayunman, nananatiling problema ang pamamahagi ng pensyon kada buwan dahil hindi pa naililipat ang pangangasiwa ng programa sa National Commission on Senior Citizens.
Sa halip na kada buwan, ilang senior citizens ang natatanggap ang kanilang pensyon tuwing ikalawang buwan o kaya naman minsan ay tuwing ika-anim na buwan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera