dzme1530.ph

Mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Hazing Law, iginiit

Muling iginiit ni Sen. Francis Tolentino ang pangangailangang mahigpit na ipatupad ang batas na nagpapataw ng pananagutan sa mga paaralan na mauugnay sa mga hazing incident.

Kasunod ito ng pinakabagong insidente ng hazing na ikinasawi ng criminology student na si Ahldryn Bravante sa Tau Gamma Fraternity initiation rites.

Binigyang-diin ng Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman ana dapat maipatupad nang husto ang Anti Hazing Law na nagmamandato rin sa mga barangay officials na imonitor kung may nagaganap na initiation rites sa kanilang nasasakupan.

Ipinaalala ni Tolentino na alinsunod sa batas dapat alam ng barangay kung may isasagawang aktibidad sa kanilang lugar.

Nakalulungkot anya na nangyari ang insidente kay Bravante ilang buwan lamang matapos ang isa pang hazing na kinasasangkutan din ng Tau Gamma fraternity. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author