dzme1530.ph

Mahigit P47-M na halaga ng shabu, nasamsam sa entrapment operation sa Zamboanga City

P47.6 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa isang naarestong suspek sa Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City Pol. Dir. Col. Alex Lorenzo, nasa kustodiya nila ang suspek na nagbenta ng pitong kilo ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer, sa Serenety Inn sa Barangay Putik.

Sumuko naman suspek at hindi na nagtangkang manlaban nang matanto na pulis ang napagbentahan niya ng mga droga.

About The Author