dzme1530.ph

Mahigit P4-M na halaga ng shabu na itinago sa bread toaster, nakumpiska sa Clark

Nasabat ng Bureau of Customs ang mahigit P4-M halaga ng shabu sa Port of Clark, sa Pampanga.

Ayon sa Customs, apat na pouches ng shabu na tumitimbang ng 620 grams ang itinago sa dalawang bread toasters.

Sinabi ng BOC na ang substance na tinatayang nagkakahalaga ng P4.24-M, ay idineklara bilang “stainless steel bread toaster” mula sa Arizona, USA. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author