dzme1530.ph

Mahigit P366-M na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, solong napanalunan

Nasungkit ng nag-iisang mananaya ang mahigit P366-M (P366,687,465.20) na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa San Roque, Cabiao, Nueva Ecija tumaya ang nanalo kung saan natumbok ng lone bettor ang tamang kumbinasyon na 43-58-37-47-27-17.

92 mananaya naman ang nakahula sa limang numero o kumbinasyon na makatatanggap ng P120,000 bawat isa.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

About The Author