dzme1530.ph

Mahigit P300-B na kita ng gobyerno, nawala dahil sa ‘ghost receipts’

Aabot sa mahigit P300-B ang nawalang kita ng gobyerno sa nakalipas na 20-taon dahil sa pagdami ng ‘Ghost receipts,’ ayon sa Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ni BIR Commissioner Romero Lumagui Jr. na patuloy ang imbestigasyon ng ahensya kaugnay rito at naghain na rin aniya sila ng mga kaso laban sa bumibili ng ghost o pekeng resibo.

Paliwanag ng opisyal na kung ang kabuuang halaga ng ghost receipts na inilabas hanggang sa kasalukuyan ay nasa P1.3-T at kung idi-divide sa 25% income tax at 12% value-aaded tax ay aabot ito sa P370-B.

Ayon pa kay Lumagui, mahigit 100 “corporations” ang binuo para magbenta ng naturang resibo at sa loob aniya ng 20-taon ay laganap ito sa iba’t ibang sektor.

Noong hunyo, matatandaang naghain ng kaso ang BIR laban sa tatlong kampanya kaugnay sa umano’y Tax Evasion. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author