Inihain sa Department of Justice ang P25.5-B na halaga ng tax cases laban sa apat na ghost corporations na humihikayat sa mga kliyente na “i-ghost” ang Bureau of Internal Revenue, na nagdulot ng losses sa pamahalaan sa nakalipas na tatlong taon.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na naka-a-alarma ang financial magnitude ng naturang sindikato na nag-i-isyu ng mga pekeng resibo.
Aniya, kumikita ang mga ito sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kanilang mga kliyente na “i-ghost” ang BIR.
Ang apat na inireklamong korporasyon ay kinabibilangan ng Buildforce Trading Inc., Crazykitchen Foodtrade Corp., Decarich Supertrade Inc., at Redington Corporation.