Kinumpirma ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na tapos na ang pag-a-aspalto at pag-a-upgrade ng ilang pangunahing lansangan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Partikular dito ang Jose Abad Santos Avenue (JASA) at Daang Maharlika Highway na kabilang sa apat na (4) road maintenance projects sa San Isidro at Gapan City na tinapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bahagi rin ng JASA projects ang pagsasaayos ng 957.3-meter segment sa Barangay Poblacion hanggang sa Barangay Malapit at ang 1.9-kilometer segment sa Barangay San Roque hanggang sa Barangay Sto. Cristo.
Dinagdag din ni Bonoan na pinaganda rin ang Daang Maharlika sa Gapan City, ang 1.7-kilometer segment sa Barangay Sto. Cristo Norte patungong Barangay Bayanihan at ang 1.14-kilometer section ng Barangay Bayanihan at Barangay San Vicente.
Ayon sa Kalihim, galing ang P254.95-million na pondong ginamit sa proyekto mula sa 2023 General Appropriations Act (GAA) sa ilalim ng Asset Preservation Program ng DPWH. –ulat mula kay Felix Laban, DZME News