dzme1530.ph

Mahigit P2 na dagdag-presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay may P1.90 na dagdag-presyo kada litro, P2.10 naman ang patong sa presyo ng kada litro ng diesel habang P1.80 ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ganitong galaw din ang ipinatupad ng Shell, Flying V, Petron at Sea Oil kaninang alas-6 ng umaga.

Samantala, epektibo lang sa gasolina at diesel ang ginawang adjustment ng PTT Philippines, Phoenix Unioil, JETTI Petroleum at Petrogas.

Alas-4:01 pa ng hapon ipatutupad ng kumpaniyang Cleanfuel ang kanilang dagdag-presyo sa produktong petrolyo.

About The Author