Nakasamsam ang mga otoridad ng 424 grams ng ketamine na nagkakahalaga ng P2.12-M sa isang controlled delivery operation sa barangay Manggahan, Pasig City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, dinakip ang claimant sa operasyon at mahaharap sa kaso dahil sa pag-import ng iligal na droga o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinabi ng PDEA na ang parcel ay naglalaman ng ketamine mula sa Poland at dumating sa Port of Clark noong May 14 at idineklara bilang rose candles.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan mula sa PDEA Central Luzon, PDEA Clark Airport Interdiction Unit, at Bureau of Customs Port of Clark.