Mahigit P1.8-B sahod at livelihood assistance ang ipamimigay ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa higit 300K manggagawa sa bansa kaugnay sa selebrasyon ng Labor Day.
Ayon kay DOLE Usec. Carmela Torres, kabilang sa makakatanggap ang mga empleyado sa informal sector o 267,000 beneficiaries sa ilalim ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantage/displaced workers o TUPAD Program.
Mamamahagi rin ang ahensya ng P428-M sa 26,000 beneficiaries sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program(DILP) o Kabuhayan Program; P68-M na halaga ng stipends o allowance para sa 10,000 government interns sa ilalim ng DOLE-Government Internship Program (GIP); at P40-M para sa mga kabataang nagtatrabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Una na ring sinabi ng DOLE na mag-aalok ito ng 74,000 jobs sa iba’t ibang sektor sa inilunsad na career fair sa iba’t ibang sites sa buong bansa kung saan nasa 1,289 local employers ang lumahok sa programa. –sa panulat ni Airiam Sancho