Sa Daily Accomplishments na inilabas ng Manila Police District, Public Information Office, sa ilalim ng pamumuno ni MPD DD PBGen Andre Perez Dizon, naitala ang kabuuang 995 na Violators na lumabag sa batas, kabilang na ang lokal na ordinansa sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa Local Ordinance Violation, 386 ang naaresto sa paglabag sa paninigarilyo sa pampublikong lugar, habang 145 ang hindi naman pagsuot ng pang itaas na damit in public places, 65 naman dito ang violator sa Curfew sa dis -oras ng gabi; 310 naman sa traffic management code, 67 naman sa paglabag sa obstruction.
Habang sa criminality campaign MPD, para sa Oplan Pagtugis sa mga nagtatago sa batas kung kaya’t 6 dito ang Wanted Person ang kanilang naaresto, na kabilang sa wach list ng MPD, mula sa 6 na police operation.
Kaugnay nito 1 naman ang dinakip sa loose fire arms, at pagkakasamsam ng 1 armas o baril.
9 katao naman ang nahuli sa illegal gambling sa 3 operation ng mpd, at pag rekober ng halagang P2,209,00.
Sa pinakahuling operation report ng MPD kaugnay ng droga, nakarekober sila ng aabot sa 31.7 grams ng shabu, at may street value na P215,560,00 mula sa 6 na katao na naaresto, sa 3 na police operation ng Manila Police District. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News