Kabuuang 7,451 drivers ang hinuli ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) field personnel, kasama ang iba pang law enforcement agencies bunsod ng paglabag sa batas trapiko sa unang anim na buwan ng 2023.
Sinabi ng LTO-NCR na 837 drivers ang hinuli simula Enero hanggang Hunyo dahil sa pagmamaneho ng sasakyan na mayroong faulty accessories, devices, equipment, at parts na paglabag sa probisyon ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
1,752 na mga motorista naman ang nabigong magsuot ng prescribed seat belt device o protective motorcycle helmet, habang labindalawa ang hinuli dahil sa paglabag sa R.A 10666 o Children’s Safety sa ilalim ng Motorcycle Act. —sa panulat ni Lea Soriano