dzme1530.ph

Mahigit 74K PUVs, nabigyan na ng fuel subsidies  —LTFRB

Umabot na sa 74,089 public utility vehicle (PUV) units ang nabigyan na ng fuel subsidies, as of Sept. 27, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Sinabi ng LTFRB na nakapagtala rin sila ng 121,979 operators bilang qualified beneficiaries sa programa.

Ang naturang operators ay pinaglaanan ng mahigit P480-M na ipamamahagi ng Land Bank of the Philippines.

Sa kabuuan ay nasa P795.187-M na ang halaga ng naipamahagi ng LTFRB sa mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program.

Kabilang sa listahan ng mga benepisyaryo ay operators ng traditional at modern jeepneys, buses, mini-buses, tourist transport services, school transport services, filcabs, at iba pang public utility vehicles. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author