Inilabas na ng Dep’t of Budget and Management ang P7.68-B para sa targeted cash transfer program ng Dep’t of Social Welfare and Development.
Inaprubahan ni Budget sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Orders para sa TCT program.
Tinatayang mahigit 7.5-M na benepisyaryo ang makikinabang sa P500 cash grant kada buwan sa loob ng dalawang buwan.
Nagpasalamat si Pangandaman kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mabilis na pag-apruba sa kanilang rekomendasyon na pagbigyan ang special budget request ng DSWD para sa TCT program.
Ito umano ang nagpapatunay na priority ng Pangulo ang pagkalinga sa mga nangangailangan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News