Inihayag ng lokal na pamahalaang ng Lungsod ng Maynila na mahigit sa 6,000 indibidwal ang nakakuha ng trabaho sa idinaos na job fair ng Public Employment Service Office (PESO).
Sa ipinadalang data ni Atty. Princess Abante, ang tagapagsalita ng Manila LGU, may kabuuang 6,573 ang pinalad na makakuha ng trabaho sa iba’t-ibàng kumpanya sa job fair, na isinagawa mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Sa report, 1,574 ang hired on the spot, 3,170 ang placement reports of employers, 1,555 ang natanggap sa Joyride Philippines, 184 sa Borzo Philippines, 16 sa Lalamove.
May mga senior citizens din na natanggap sa trabaho: 22 sa Shakey’s, 17 sa Jollibee Corporation at 4 sa Peri – Peri.
Bukod sa senior citizens, nabigyan din ng trabaho ang 31 persons wíth disability sa tatlong nabanggit na fast food restaurants.
Bukod pa dito mula buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2022 ay may 15,539 na indibiduwal ang nakakuha ng trabaho sa idnaos na job fair sa lungsod.
At sa huling datos ng Kalinga sa Maynila Job Fair nitong Abril 12, 2023 ay may kabuuang 7,406 ang nabigyan ng trabaho.
Sa nabangit: hired on spot ang 1,693 indibidwal, placement report of employers nasa 3,170, Joyride PH -1,750, Borzo PH na nasa 189
Lalamove PH- 16 mayroon ring 46 na senior citizens mula sa kumpanyang Shakeys, Jollibee, at Peri-Peri,
Sa hanay ng PWD ang 31 ang na-employed mula sa mga kumpanyang nabangit. — ulat mula kay Felix Laban, DZME News