dzme1530.ph

Mahigit 40, patay sa pambo-bomba sa isang political gathering sa Pakistan

Nasa 44 ang nasawi sa pagsambulat ng bomba sa pagtitipon ng Radical Islamic Party, sa Northwest Pakistan.

Target ng pagsabog ang Jamiat Ulema-e-Islam (F) party kung saan mahigit 400 miyembro at mga taga-suporta ang nagtipon-tipon sa isang tent sa bayan ng Khar, malapit sa border ng Afghanistan.

Sinabi ni Riaz Anwar, Health Minister sa Khyber Pakhtunkhwa Province, na bukod sa mga nasawi ay mayroong 123 na mga sugatan, kabilang ang 17 pasyente na nasa kritikal na kondisyon.

Wala pang grupo na umaako, subalit kamakailan lamang ay naglunsad ang local chapter ng Islamic State (IS) group ng mga pag-atake laban sa JUI-F. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author