Mahigit 40 estudyante ang dinala sa iba’t ibang ospital sa Tuy, Batangas bunsod ng epekto ng volcanic smog na dulot ng aktibidad ng bulkang Taal.
Ayon kay Dr. Amor Calayan, Head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, dalawang linggo nang nakaaapekto ang smog sa ilang mga bayan.
Ang mga naapektuhang mag-aaral ay nakaranas ng paninikip o pananakit ng dibdib, pagkahilo, pangangati ng lalamunan, at pangangati ng balat.
Nilinaw ni Calayan na wala namang na-confine sa mga estudyante at agad din silang pinauwi matapos malapatan ng lunas. —sa panulat ni Lea Soriano