Sa inilabas na Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard, mula kaninang madaling araw ng alas-12 hanggang alas-4am, naitala ang kabuuang 3,164 na bilang ng mga istranded na pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa bansa na sakop ng Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas, dahil sa banta ng Tropical Depression Amang.
Stranded din ang nasa 593 rolling cargoes, 12 vessels, habang 9 motorbancas ang nakasilong sa ligtas na lugar.
Kabilang sa mga naiulat na may stranded na pasahero ang mga pantalan na sakop ng Southern Tagalog, Romblon, Odiongan, Real, Patnanungan, Dinahican, at Polillo Port, kasama na ang Bicol Rigion, Tabaco, Pioduran, Matnog, Pilar Port, na mayroong 1,560 biyahero.
Habang ang Eastern Visayas Region, naman ay may bilang na 1,681 na pasaherong stranded, sa mga pantalan ng Sta. Clara Dapdap, Looc, at Calbayog Port. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News