Mayroong pa ring unconsolidated jeepneys sa mahigit 300 ruta sa Metro Manila, batay sa listahan na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kabilang sa mga rutang ito ay Divisoria-Manila, Quezon City-Manila, at EDSA-bound trips patungong Quezon City, Pasig, Makati, at Parañaque.
Sa ngayon ay naghahanda na ang Land Transportation Office para sa gagawing panghuhuli sa unconsolidated traditional jeepneys, simula sa unang araw ng Pebrero.
Kasunod ito ng expiration ng prangkisa ng mga tradisyunal na dyip sa Jan. 31. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera