dzme1530.ph

Mahigit 300 kilong mishandled na karne, kinumpiska sa Taytay Public Market

Kabuuang 359 na kilo ng mishandled meat na kinabibilangan ng baboy at laman-loob nito, ang kinumpiska ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement Team, sa Taytay Public Market.

Ibinaon ang mga karne na nagkakahalaga ng mahigit P100,000 sa isang bakanteng lote sa naturang bayan.

Naabutan ng DA Inspectorate Team ang mga karne na nakalapag lang sa maruming sahig ng palengke, at nakita ng National Meat Inspection Service na may paglabag kaya agad nilang kinumpiska ang mga ito.

Ayon sa mga otoridad, maaring kontaminado na ng mga mapanganib na pathogens at bacteria ang mishandled meat na posibleng magbigay ng sakit sa mga kakain nito. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author