Nakapagtala ang Dept. of Health ng mahigit 30 kaso ng Malaria sa Barangay Irawan, Puerto Princesa sa Palawan.
Sa datos ng ahensya, na-detect ang 31 cases ng naturang sakit noong April 26 hanggang June 30, 2023, kung saan nakarekober na ang lahat noong July 5.
Karamihan sa tinamaan ng Malaria ay mga sanggol na wala pang isang taong gulang at hanggang 50-taong gulang na indibidwal.
Kabilang sa sintomas nito ang pananakit ng ulo at tiyan, pagkahilo, at lagnat.
Nilinaw naman ng DOH na ang malaria ay nananatiling endemic sa Puerto Princesa City.
Kaugnay nito, nagkasa na ang mga otoridad ng misting at stream cleaning sa naturang lugar sa ilalim ng Vector Born Prevention and Control Program. —sa panulat ni Airiam Sancho